Manila, Philippines – Naglatag ng karagdagang seguridad ang Manila International Airport Authority (MIAA) sa Ninoy Aquino International Airport (NAIA) para matiyak ang kaligtasan ang mga pasahero ngayong summer travel season.
Ayon MIAA General Manager Ed Monreal, pinaigting na ang intelligence gathering at presensya ng canine (K-9) units.
Pinadodoble na rin niya ang mobile patrol para sa maayos na daloy ng trapiko sa paligid ng paliparan.
Hinimok din ni Monreal ang mga pasahero na huwag magdala ang mga ipinagbabawal na bagay tulad ng armas para maiwasan ang pagkaka-antala ng flight.
Pinababantayan na rin ang operasyon ng mga kolorum na sasakyan at taxi sa paliparan.
Facebook Comments