Manila, Philippines – Tinatayang aabot sa 5,000 mga pulis ang itatalaga ng National Capital Region Police Office (NCRPO) at PNP-Highway Patrol Group para magbigay seguridad sa pagbisita sa bansa ni Chinese President Xi Jinping sa Nobyembre 20 hanggang 21.
Ayon kay PNP-HPG Director Roberto Fajardo – ang Presidential Security Group (PSG) pa rin ang magsisilbing closed-in ni President Xi habang aalalay ang limang libong mga pulis sa buong delegasyon nito.
Naglaan din ng 12 patrol vehicles at 33 motorcycle units para sa convoy ng Chinese president.
Samantala, mahigpit namang ipatutupad ng PNP ang “no permit no rally” sa pagbisita ni President Xi.
Ayon kay NCRPO Director Chief Superintendent Guillermo Eleazar – hindi nila inaalis ang posibleng pagkakaroon ng biglaang rally kaya ngayon pa lang, plantsado na ang gagawin nilang hakbang para maiwasan ang anumang gulo.
Mahigpit ding ipatutupad ng PNP ang maximum tolerance.