HIGPIT SEGURIDAD | NCRPO Chief, tiniyak na alerto ang mga pulis ngayong Christmas season

Manila, Philippines – Inikot ni NCRPO Chief Police Director Guillermo Eleazar ang mga police station sa Maynila kaninang madaling araw.

Pakay sa pag-iikot na masigurong gising at alerto ang mga pulis lalot papalapit na ang Christmas season.

Kabilang sa pinuntahan ang Manila Police District Headquarters sa UN Avenue, PCP 1 sa Pandacan, MPD Station 6 at MPD Station 9.


Ayon kay NCRPO Chief Eleazar sa ganitong panahon kasi aktibo ang mga holdaper, snatcher at iba pang kawatan.

Kontento naman ang heneral sa kanyang mga nakita dahil bukod sa malinis ang station, gising din ang mga pulis at may tamang kasuotan.

Kapansin-pansin naman sobrong siksikan na ang mga kulungan sa Maynila.

Sa pag-iikot kasi inalam din ni Eleazar kung totoo bang nakakalabas ng kulungan si PO1 Eduardo Valencia na may kasong rape.

Facebook Comments