Sa pag-iikot ng pamunuan ng Manila International Airport Authority (MIAA) sa pangunguna ni MIAA General Manager Ed Monreal sa NAIA Terminal 1 2 3 at 4 kuntento ito sa inilatag na seguridad sa mga paliparan.
Ayon kay Monreal, handang-handa na ang NAIA sa pagdagsa ng mga pasahero sa mga susunod na araw kasabay ng paggunita ng Undas.
Sa ngayon nananatili pang normal ang sitwasyon sa mga paliparan pero inaasahang sa Miyerkules ay magsisimula nang dumagsa ang mga pasahero.
Sa paligid ng paliparan ay may mga K9 units na nakakalat, dadaan din sa mahigpit na seguridad ang mga pasahero kung saan kinakailangang maghubad ng sapatos sa may x-ray area.
Paalala ng MIAA huwag nang magdala ng mga ipinagbabawal na gamit tulad ng bladed at deadly weapons maging yung mga anting anting na bala upang maiwasan ang abala.
Huwag ding tatangkaing mag bomb joke dahil maliban sa multa ay maaari ding makulong ng higit sa limang taon.