Manila, Philippines – Inatasan ni Pangulong Rodrigo Duterte ang mga awtoridad na sitahin ang mga tambay sa kalye.
Ayon kay Duterte, layunin nitong matiyak ang seguridad sa mga lansangan.
Dapat aniya na maging istrikto ang mga pulis sa pagsita sa mga tambay na kadalasang nasasangkot sa rambulan o gulo sa kalsada.
Biro pa ng Pangulo, kung hindi susunod ang mga tambay ay padadamputin sila ng mga pulis at itatapon sa Ilog Pasig.
Nilinaw naman ni PNP Chief Director General Oscar Albayalde, matagal na nilang ginagawa ang paninita ng mga tambay sa kalsada.
Aniya, tumutulong ang kapulisan sa pagpapatupad ng mga ordinansa ng mga lokal na pamahalaan para dakpin ang mga bagansya sa paligid.
Facebook Comments