Inatasan na ni Commandant Philippine Coast Guard Admiral Elson E. Hermogino ang lahat ng mga operating units lalung lalo na ang Coast Guard District Southwestern Mindanao na higpitan ang seguridad kaugnay sa nangyaring car bomb explosion sa harapan ng Special Civilian Armed Auxiliary (SCAA) Detachment sa Sitio Magkawit, Barangay Colonia, Lamitan City, Basilan kung saan pito ang nasawi at tatlo ang nasugatan.
Ayon kay Admiral Hermogino dapat maging vigilante ang lahat ng PCG Units sa lahat ng oras upang maprotektahan ang mga inosenteng sibilyan sa mga banta ng mga teroristang grupo na maghasik ng kaguluhan.
Paliwanag ng opisyal matapos ang malagim na insidente ang Task Force Zamboanga na pinamunuan ni Mayor Maria Isabelle Climaco-Salazar, ay agad nagsagawa ng emergency meeting at nagpatupad kaagad ng mahigpit na seguridad sa Zamboanga at lahat ng isla sa Mindanao upang maprotektahan ang mga negosyante sa lugar.
Giit ni Hermogino isasailalim sa inspection at paneling ng Coast Guard K-9 ang lahat ng mga paparating at papaalis na sasakyang pandagat sa Basilan at Jolo maging ang mga kalapit na isla para matiyak ang kaligtasan ng publiko kung saan umapila rin ang Philippine Coast Guard (PCG) sa publiko na maging vigilante sa lahat ng oras at isumbong sa mga awtoridad kung mayroon silang nalalaman na may kahina hinalang pagkilos.