Manila, Philippines – Kinumpirma ng Philippine Army na meron na silang sariling troll sa social media na layong sagutin ang mga maling impormasyon at mabantayan ang kilos o aktibidad ng mga teroristang grupo.
Ayon kay Colonel Romeo Brawner ng Philippine Army civil military operations regiment, mahalaga ang papel ng kanilang social media monitoring team lalo at sa panahon ng information age, sa online at digital field ang bagong lugar ng digmaan.
May pagkakataon kasi aniyang sa social media nag kakalat ng maling impormasyon ang mga kalaban ng istado na dapat agad nilang masagot at linawin nang sa ganun hindi malason ang isip ng mga Pilipino.
Sa Amerika pa nagsanay ang Philippine Army social media monitoring cell partikular sa U.S Command, Fort Bragg North Carolina.
Samantala ayon kay Capt. Robert Barnes, U.S. Army officer ng Indo-Pacific Command Augmentation Team, ang nasabing pagsasanay ay magandang ehemplo ng pagtutulungan ng Pilipinas at Estados Unidos para malabanan ang violent extremism at pagtataguyod ng regional stability.