Manila, Philippines – Ininspeksyon ni PNP Chief Ronald “Bato” Dela Rosa ang mga bus terminals sa Araneta Center Cubao Quezon City ngayong umaga.
Ito ay para masiguro na nababantayan ng kaniyang mga tauhan na ideneploy sa mga bus terminals ang mga pasahero ng bus na bumabiyahe sa mga probinsya para gunitain ang Semana Santa.
Ang hakbang na ito ng PNP ay kaugnay sa pagsisimula ng PNP na maging alerto para sa summer vacation na magtatagal hanggang buwan ng Hunyo.
Kung saan magdagdag sila ng tao sa mga paliparan, pantalan, mga bus terminals, mga malalaking simbahan, mga tourist destination at mga matataong lugar para tiyaking ligtas ang publiko ngayong Semana Santa.
Sinabi naman ni PNP Chief, na nakalatag na ang mahigpit na seguridad, na ipinatutupad sa lahat ng mga bus terminals kung saan mahigpit na babantayang hindi makakalusot ang ipinagbabawal katulad ng pampasabog, baril patalim at iligal na droga.
Payo naman ni Dela Rosa sa publiko na maging mas alerto upang hindi makalusot ang mga masasamang loob.