Manila, Philippines – Nasa full alert status na ngayon ang Philippine National Police para sa ikatlong State of the Nation Address o SONA ni Pangulong Rodrigo Duterte.
Ayon kay PNP Spokesperson Police Senior Superintendent Benigno Durana batay sa direktiba ng Directorate for Operations ng PNP nagsimula ang full alert status kaninang alas singko ng umaga.
Ibig sabhin nito na lahat ng tauhan ng PNP ay dapat nakaalerto at nakahanda sa anumang deployment sa araw na ito.
Habang nakadeploy na ngayon ang aabot sa 7000 mga Pulis dito Metro Manila para bigyang seguridad ang SONA ng Pangulo.
Umaasa sina PNP Chief Police Director General Oscar Albayalde at NCRPO Chief Police Chief Superintendent Guillermo Eleazar na magiging payapa ang mga kilos protesta ng mga anti-Duterte groups.
Ito ay matapos ang pakikipagpulong ng PNP sa mga lider militante na mangunguna sa mga kilos protesta kontra sa administrasyon sa araw na ito.