Manila, Philippines – Iniutos na ni PNP Chief Police Director General Oscar Alabayalde sa mga PNP Regional Directors at Provincial Directors ang maigting na pagtugis sa mga gun for hire groups at gun running syndicates.
Kasunod ito ng sunod-sunod na pagpatay sa mga local chief executives.
Aniya inirekomenda ito ng Volunteers Against Crime and Corruption (VACC) sa PNP.
Naniniwala rin si PNP Chief Albayalde na may direktang kinalaman ang mga grupong ito sa mga pagpatay.
Sa ngayon kasi aniya ay may isang milyong loose firearms na target sa oplan katok ng PNP na malaki ang posibilidad na nagagamit sa pagpatay.
Bukod pa aniya sa gun running syndicates at gun for hire groups ay tutugisin rin ng PNP ang mga Private Armed Group o PAGs.
Batay aniya sa kanilang monitoring aabot sa 78 ang PAGs sa bansa.
Karamihan aniya rito ay matatagpuan sa Mindanao.