Inilagay na sa pinakamaats na alerto ang buong Philippine National Police (PNP) sa Autonomous Region in Muslim Mindanao o ARMM kasunod ng pagsabog sa Lamitan, Basilan.
Ayon kay PNP Spokesman Senior Superintendent Benigno Durana, pinagana na nila ang lahat ng resources ng PNP para mahuli at maparusahan ang nasa likod ng insidente.
Aniya, nagdagdag na sila ng mga checkpoint at mga pulis para sa foot at mobile patrol partikular sa mga lungsod.
Maliban rito, pinalakas na rin aniya nila ang kanilang intelligence monitoring katuwang ang Armed Forces of the Philippines (AFP).
Giit ni Durana, kaisa ng lahat ang PNP sa pagkondeda sa nangyaring pagsabog na maituturing na unfortunate incident lalo at pasadona ang Bangsamoro Organic Law (BOL) na simbolo ng pangmatagalang kapayapaan sa Mindanao.