HIGPIT SEGURIDAD | PNP, naka-full alert status na kasunod ng panibagong Isulan bombing

Sultan Kudarat – Inilagay na sa full alert status ang Philippine National Police Region 11 matapos ang panibagong pagsabog sa Isulan, Sultan Kudarat.

Ayon kay Regional Director Police Chief Superintendent Marcelo Morales, inatasan na niya ang lahat ng police units sa lungsod na paigtingin ang kanilang security measures.

Aniya, nakikipag-ugnayan na rin sila sa lahat ng government agencies para sa intelligence monitoring.


Facebook Comments