Manila, Philippines – Pinalawig ng Philippine National Police o PNP hanggang Nobyembre 5 ang kanilang full alert status dahil sa inaasahang tuloy-tuloy na pagbisita ng mga tao hanggang linggo sa mga sementeryo.
Ayon kay PNP Spokesperson Chief Superintendent Benigno Durana, nasa 33,000 pulis ang ipinakalat ng PNP para magpanatili ang kaayusan sa mga pampublikong lugar gaya ng sementeryo, terminal, pantalan at paliparan.
Maliban rito, magde-deploy rin aniya sila ng red teams o mga pulis na magbabantay sa kapwa nito pulis para matiyak na ginagawa nila ang kanilang tungkulin.
Facebook Comments