HIGPIT SEGURIDAD | PNP, planong bumuo ng task force na tututok sa motorcycle criminals at gun-for-hire groups

Manila, Philippines – Plano ngayon ng Philippine National Police (PNP) na bumuo ng task force na tututok para matapos na ang mga motorcycle criminals at gun-for-hire groups.

Ito ay kasunod nang nangyayaring serye ng mga patayan kung saan mismong ang mga suspek ay pawang mga naka motorsiklo.

Ayon kay PNP Spokesperson Chief Superintendent John Bulalacao, ito ang nakikita nilang paraan para mas maging epektibo ang paglaban at tuluyan nang matigil ang mga nasabing insidente.


Nilinaw naman ng opisyal na mayroon nang ginagawang hakbang ang PNP hinggil dito partikular ang paglagay ng maraming checkpoints at pagkasa ng iba’t-ibang oplan o operasyon.

Facebook Comments