Manila, Philippines – Bantay sarado na ng mga tauhan ng PNP Special Action Force at Montalban Police station ang housing project ng AFP , PNP at BJMP sa Barangay Isidro Rodriguez Rizal.
Mula pa kagabi naka-deploy na ang puwersa ng Provincial mobile force battalion at ng Special Weapons and Tactics dahil sa ulat na muling papasukin ng grupo ng Kadamay ang mga bakanteng bahay.
Bagaman at limitado lamang ang impormasyon na ibinibigay ng pulisya pero pursigido sila na ipatupad ang utos ni Pangulong Duterte na gumawa ng hakbang laban sa militanteng grupo Kadamay na magpumilit na pasukin ang pabahay.
Sa panig ng grupong Kadamay, nagkakampo sila ngayon sa isang lugar malapit sa National Housing Authority (NHA) sa Kasiglahan Village sa Rodriguez.
Inaasahan din na darating anumang oras si Rodriguez Rizal Mayor Cecilo Hernandez sa housing project para sa dialogue sa pagitan ng kinatawan ng National Housing Authority (NHA), kasama ang Developer nito, Homeowners Association at PNP officials.