HIGPIT SEGURIDAD | Police checkpoints sa Metro Manila kasabay ng pagbubukas ng klase, dadagdagan

Manila, Philippines – Magdadagdag ng checkpoint ang National Capital Region Police Office (NCRPO) kasabay ng nalalapit na pasukan sa Hunyo 4.

Ayon kay NCRPO Regional Director Camilo Cascolan, bahagi ito ng ikinasa nilang seguridad para sa pagbabalik eskwela ng mga kabataan.

Aniya, lahat ng paaralan sa Metro Manila ay lalagyan ng public assistant desk sa pagbubukas ng klase.


Maliban sa mga paaralan, sinabi ni Cascolan na magde-deploy rin sila ng mga pulis sa mga matataong lugar gaya ng mga simbahan, mall at ng terminal ng pampublikong sasakyan.

Facebook Comments