Manila, Philippines – Ipagbabawal ng Presidential Security Group (PSG) ang mga ballpen, lapis at mga bottled water sa mga presidential visits sa iba’t-ibang probinsya.
Sa pagbisita ng Pangulong Duterte sa Barangay Labuan sa Ipil, Zamboanga Sibugay, hindi pinayagan ang mga mamamahayag na magdala ng ballpen at lapis maging mga bottled water.
Hindi naman nagbigay ng paliwanag ang PSG kaugnay ng nasabing hakbang pero bahagi umano ito ng security protocol sa chief executive.
May report din na hindi naman kinuha ng PSG ang ballpen at bottled water ng ilang mamamahayag na nagko-cover ng talumpati ni Pangulong Duterte sa bayan ng Ipil pero pinalayo pina-distansya sila kung saan naroroon ang presidente.
Nauna nang sinabi ni Presidential Assistant to the President Bong Go na may banta sa buhay ng Pangulo.