HIGPIT SEGURIDAD | Rizal PDRRMO, pinaghahandaan na ang alay lakad sa Antipolo City.

Antipolo, Rizal – Magpupulong na ang mga lokal na opisyal ng lalawigan ng
Rizal upang ilatag ang ipatutupad na seguridad sa dinadagsang alay lakad sa
Antipolo ngayong Semana Senta.

Kabilang sa titiyakin ay ang sapat na bilang ng security force na
magbabantay sa rutang daraanan ng mga deboto ng Our Lady of Peace and Good
Voyage.

Titiyakin rin na maayos ang kalsada para sa mga deboto na naglakad ng
nakapaa.


Ayon kay Mar Bacani, officer in charge ng Antipolo City, culture, arts and
promotions office, tulad ng taunang Traslacion ng Itim na Nazareno, milyon
din na mga deboto ng Our Lady of Peace and Good voyage ang dumadagsa sa
Antipolo Cathedral tuwing Semana Santa.

Nagpaalala naman si Dong Malonzo ng Rizal PDRRMO sa mga motorista na
tiyaking maayos ang mga sasakyan kung darayo sa Antipolo.

Makakatuwang ng lalawigan ng Rizal sa pagtitiyak na magiging ligtas ang
alay lakad ang BFP, DOH, at PNP.

<www.avast.com/sig-email?utm_medium=email&utm_source=link&utm_campaign=sig-email&utm_content=webmail>

Facebook Comments