Matapos maihatid sa Divine Mercy Chapel sa Muntinlupa city kahapon ang mga labi ni Ozamiz City Regional Trial Court Branch 15 Executive Judge Edmundo Pintac.
Siniguro naman ng pamunuan ng Southern Police District (SPD) na may sapat silang pwersa sa burol ng hukom upang magbigay seguridad.
Ayon kasi sa mga kaanak nito, tatagal ang burol ni Judge Pintac nang hanggang sa October 19.
Ito ay dahil may mga hinihintay pang mga kaanak at kaibigan na dadalaw at magbibigay pugay sa hukom bago ito ihatid sa huling hantungan.
Nabatid na kagabi ay dumalaw sa lamay ni Judge Pintac si outgoing Chief Justice Teresita De Castro at nanawagan sa mga otoridad na maigawad sa hukom ang hustisya.
Si Judge Pintac ang humahawak sa drugs at firearms cases laban kina Nova Princess at Reynaldo Parojinog Jr., na kilala bilang mga kilabot na drug lord sa Northern Mindanao.