HIGPIT SEGURIDAD | Seguridad sa Tuna Festival sa GenSan, plantsado na

General Santos City – Plantsado na ang security plan para sa Tuna Festival 2018 sa Setyembre.

Ayon sa General Santos City Police Office (GSCPO), itinaas na nila sa alert level 3 status ang kanilang seguridad at nakatadang i-deploy ang 1,800 na mga pulis sa mga lugar na may mga programa at mga aktibidad lalo na sa Oval Plaza.

Magde-deploy rin anila ng mga tauhan sa lugar ang joint task force GenSan, national support unit ng PNP Maritime, Philippine Coast Guard (PCG), Civil Security Unit at mga force multipliers sa lungsod.


Nagpaalala naman ang mga awtoridad na mahigpit na ipinagbabawal ang pagdadala ng backpack, posporo, lighter, mga bladed weapons at baril sa Oval Plaza.

Umapela naman ang awtoridad na makipag-ugnayan kaagad sa kanila kung may kaduda-dudang bagay o tao para maiwasan ang anumang pagsabotahe sa okasyon.

Facebook Comments