Tabaco City, Albay – Nagpatupad na ng total lockdown ang mga otoridad sa Barangay Buang sa Tabaco City kaugnay ng patuloy na pag-alburuto ng bulkang Mayon.
Ayon hindi na pinayagang pumasok sa lugar ang mga turista, maging ang mismong mga empleyado ng mayon planetarium para na rin sa kaligtasan ng mga ito.
Maliban pa dito, in close coordination rin ang mga local disaster management officials sa PHIVOLCS at Albay Public Safety and Emergency Management Office upang maiging mabantayan ang mga pagbabago sa aktibidad ng bulkan at mga ilalatag na mga paalala.
Nabatid nasa 90% na ng populasyon ng Barangay Magapo ang nakapaloob sa 6km radius permanent danger zone ang inilikas na.
Samantala, maliban sa nasabing naturang barangay, lima pa ang nasa loob rin ng 6km pdz na ililikas ngayong araw partikular na ang mga barangay ng Comon, Uson, Buang, Buhian at Sitio Nagsipit sa Barangay Mariro.