Manila, Philippines – Dinagdagan pa ng Joint Task Force National Capital Region ng Armed Forces of the Philippines (AFP) ang kanilang mga tauhang nagsasagawa ng pagpapatrolya sa kalakhang Maynila.
Kasunod ito ng pagtataas sa heightened alert status ng Philippine National Police (PNP) matapos ang malaking pagsabog sa Lamitan City Basilan.
Ayon kay AFP Joint Task Force NCR commander Brig Gen. Abraham Claro Casis nanatili ang kanilang alerto at pagiging vigilant upang mapigilan ang anumang planong terroristic activities dito sa Metro Manila.
May mga reports aniya silang natatangap sa mga planong panggugulong ng mga terorista sa Metro Manila pero bina-validate pa nila ito.
Habang tinitiyak na ginagawa nila ang lahat upang maging ligtas ang publiko sa anumang planong panggugulo ng mga terorista.