HIGPIT-SINTURON | Presyo ng ilang noche buena products, mas mataas ngayong taon

Manila, Philippines – Inamin ng Department of Trade and Industry (DTI) na mas mataas ang presyo ng ilang noche buena items ngayon kumpara noong nakaraang taon.

Pero tiniyak ni DTI undersecretary Ted Pascua – na binabantayan ito at regular pa rin naman ang presyo.

Dapat aniya sumunod sa itinakdang Suggested Retail Price (SRP) kundi ay mapaparusahan ang mga nagtitinda.


Sa price monitoring, naglalaro na mula P1,000 hanggang P1,400 kada kilo ang ibinebentang hamon sa Quaipo at Mandaluyong pero kailangan ng P4,000 kung pata o bone-in-ham ang bibilhin.

Ang mga premium hams sa mga supermarket ay nasa P500 hanggang P600.

Ang imported na queso de bola ay nasa P900 hanggang P1,000 habang naglalaro sa P250 hanggang P400 ang locally-made depende sa brand.

Facebook Comments