HIGPITAN | Mga guidelines sa pag-akyat sa mga national park, pinahihigpitan ng DENR

Manila, Philippines – Dahil sa pagkasunog ng isang grupo ng mga hikers sa Mt. Pulag sa Benguet, iniutos ni Environment Secretary Roy Cimatu na higpitan ang alituntunin o guidelines sa gustong umakyat sa protektadong bundok.

Dapat din aniya na magpatupad ng bagong panuntunan sa iba pang protected areas at national parks na nagsisilbing ecotourism destinations ng bansa.

Nauna rito, isang napabayaang butane gas stove ang naging mitsa ng sunog na kumalat sa may limang ektaryang bahagi ng Mt. Pulag.


Sa taya ng Department of Environment and Natural Resources, aabutin ng kalahating taon bago maibalik sa dati ang nasirang grasslands of Mt. Pulag.

Facebook Comments