HIHIGPITAN | Medium compound ng Bilibid, gusto na rin bantayan ng PNP

Manila, Philippines – Nais ni PNP Chief Ronald Dela Rosa na bantayan na rin ng mga miyembro ng PNP Special Action Force ang medium compound ng New Bilibid Prison (NBP).

Ito aniya ay upang tuluyan ng masawata ang patuloy na illegal drug operation ng mga bilanggo sa loob ng NBP.

Ayon kay Dela Rosa, sa ngayon tanging maximum compound at building 14 ang binabantayan ng PNP SAF pero may mga impormasyon syang nakukuha na sa medium compound na ngayon nilipat ang bentahan ng droga kaya kailangang mabigyan ng solusyon.


Kanina pinangunahan ni PNP Chief Dela Rosa ang turn over ceremony para sa mga bagong SAF contingent na magbabantay sa NBP.

Isang batalyon o 350 hanggang 400 SAF troopers ang ipinalit sa isang batalyon rin SAF members na anim na buwang nagbantay sa NBP partikular sa maximum compound at building 14.

Pero kung babantanyan na rin nila ang medium compound kailangan nilang magdagdag ng isang daang SAF troopers.

Sa ngayon may 6,000 bilanggo ang medium compound habang ang maximum compound ng NBP ay may 18,000 bilanggo.

Facebook Comments