HIHIGPITAN | Mga Pinoy na nais mangibang bansa dapat dumaan sa POEA para di mabiktima ng illegal recruiters

Manila, Philippines – Naniniwala si Overseas Workers Welfare Administration Administrator Leo Cacdac, na napapanahon ng higpitan ang batas sa mga OFW upang hindi mabiktima ng mapang abusong illegal recruiters.

Ayon kay Cacdac noong panahon nito sa POEA tatlong Recruitment Agencies ang kanyang napasara pero sa hindi malinaw na kadahilanan ay biglang binuksan ang naturang mga Recruitment Agencies.

Paliwanag ni Cacdac dapat maging positibo ang pananaw sa buhay upang umasenso ang bawat OFW na nagpaplanong mangibang bansa.


Dagdag pa ng opisyal na ang sistema ay dapat dumeretso sa POEA ang lahat ng mga nagnanais na mangibang bansa para alamin kung lehitimo ang mga kontrata ng mga OFW.

Facebook Comments