HIHIGPITAN | MPD, maghihigpit sa pagsasagawa ng pag-iinspeksyon sa mga pulis na pumapasok ng 15/30

Manila, Philippines – Hihigpitan na ni MPD District Director Chief Supt. Joel Coronel ang kanyang mga tauhan upang matukoy kung sinu-sino ang pumapasok ng 15/30 scam sa kanilang tanggapan.

Ang paghihigpit ay ginawa ni Coronel matapos na matuklasan ni PNP Director Gen. Oscar Albayalde at inatasan na sibakin sa pwesto ang dalawang pulis na nakatalaga sa Station 6 ng Manila Police District na nakumpirma na sangkot sa naturang scam.

Natuklasan ni Albayalde na sina Sr. Insp. Consorcio Pangilinan, hepe ng intelligence MPD Station 6, at ang kanyang tauhan na si PO3 Jonathan Alquiroz ay sangkot sa naturang 15/30 scam.


Kinukunsinti umano ni Sr.Inspector Pangilinan si PO3 Alquiroz na madalas laging nasa ibang bansa dahil ang kanyang asawa ay mayroong travel agency, at hindi umano pumapasok sa kanyang trabaho simula noong February 8 kung saan pinoproseso na ng MPD na maisama ang naturang pulis sa listahan ng Awol o absent without official leave.

Napag-alaman pa na kaya hindi inire-report ni Sr.Inspector Pangilinan ang hindi pagpasok ni PO3 Alquiroz dahil binibigyan ng naturang pulis ang kanyang opisyal ng halagang 300 dolyar bawat buwan kaya hindi niya minamarkahang absent kahit nasa ibang bansa si PO3 Alquiroz.

Giit ni Albayalde na nakikipag- coordinate na siya sa Bureau of Immigration upang magbigya ng mga dokumento para masampahan ng kaso at posibleng masibak ang mga tiwaling pulis.

Facebook Comments