HIHIGPITAN | MPD, magsasagawa ng pag-iinspeksyon sa mga nagmomotorsiklo sa lungsod

Manila, Philippines – Puspusan ang gagawin na paghihigpit ng mga tauhan ng Manila Police District sa pagpatutupad ng Simultaneous Anti Criminality and Law Enforcement Operation o SACLEO kaugnay sa Motorcycle Riding Suspect o MRS na gumagawa ng hindi magandang gawain sa Lungsod.

Ayon kay MPD Spokesman Supt Erwin Margarejo mahigpit ang kanilang gagawing pagsisita sa mga nakamotorsiklo na dumadaan sa Manila lalo na ngayong papalapit ang kapaskuhan.

Paliwanag ni Margarejo magsasagawa sila ng checkpoints Oplan Sita sa strategic points at tinitingnan kung undocumented/ unregistered ang motorsiklong minamaneho ng motorcycle riders.


Target ng MPD na makakumpiska ng 20 mga undocumented/ unregistered motorcycles bawat Police Station sa loob ng isang linggo bago magpasko.

Facebook Comments