HIHIGPITAN | Seguridad ng Sarangani, mas pinaigting matapos maaresto ang isang ISIS sympathizer

General Santos City – Mas pinaigting ng pulisya at ng Armed Forces of the Philippines na nakabase sa Sarangani province ang seguridad na kanilang ipinapatupad lalo na sa area ng Maitum, Kiamba at Maasim o Makima area matapos naaresto ang isang kasapi ng Ansar Al Khilafa Philippines (AKP) at ISIS sympathizer na si Bebor Abdula na residenti ng Barangay Kanalo, Maasim.

Kalaboso si Abdula matapos nakunan ng isang unit ng caliber .45 pistol at maraming mga bala ang balay nito kasabay sa ginawang raid ng pulisya noong nakaraang araw.

Si Abduha ang sinasabing tagahatid ng pagkain ng founder at dating leader ng AKP na si Mohammad Jaafar Maguid alias “Kumander Tokboy” noong ito ay nabubuhay pa.


Sa ngayon, bantay sarado ang Maasim Municipal Police Station dahil na rin sa pangamba na ito ay sasagipin ng kanyang mga kasamahan.

Kinumpirma naman ni police Sr. Supt Arpha Abul Kyr Macalangcom, PNP provincial director ng Sarangani Police Office na mayroon nang bagong leader ang AKP sa katauhan ni Copang Saha na dati na ring tauhan ni Kumander Tokboy.

Facebook Comments