Manila, Philippines – Pinarerepaso ni Department of Interior and Local Government (DILG) officer-in-charge Eduardo Año ang tradisyon ng Philippine National Police Academy (PNPA) at Philippine Public Safety College (PPSC).
Ito ay kasunod ng insidente ng pambubugbog sa bagong graduate ng Maragtas class ng PNPA noong isang buwan.
Maliban rito, ipinag-utos din ni Año na maglatag ang mga ito ng reporma para matigil na ang mga mararahas na tradisyon sa PNPA.
Inaprubahan rin ni Año ang rekomendasyon ng Board of Inquiry (BOI) ng PPSC na dagdagan ang mga pulis na nagbabantay at gumagabay sa loob ng PNPA.
Facebook Comments