HIHILINGIN | Sen. Trillanes, pinababasura ang kinakaharap na libel case

Manila, Philippines – Hihilinging ng kampo ni Senator Antonio Trillanes IV sa Davao City Prosecutors Office na ibasura ang libel case na isinampa nina Davao City Vice Mayor Paolo Duterte at bayaw nitong si Atty. Manases Carpio.

Ayon kay Atty. Reynaldo Robles, abugado ni Trillanes, malinaw na walang hurisdiksyon ang piskal ng Davao City sa nasabing libel case.

Aniya, kahit law students ay alam na ang venue sa criminal cases ay jurisdictional.


Giit ni Flores, nais lang ni Pulong na magkaroon ng home court advantage sa kasong isinampa nito laban kay Trillanes.

Ipinunto rin ni Flores na walang malisya ang mga naging pahayag ni Trillanes dahil kasama sa mandato ng senador na punahin ang mga mali sa lipunan.

Malinaw aniyang harassment ang kaso laban sa senador dahil dati na siyang idineklara persona non grata sa Davao City pero ngayon ay nais siyang papuntahin doon.

Facebook Comments