Manila, Philippines – Wala pang naka-file na divorce bill sa Senado kahit pa nakapasa na ito sa committee level ng Kamara.
Sa kabila nito, naniniwala si Senator Risa Hontiveros na sakaling may senador na maghain ng kaparehong panukala ay magiging mahalaga ang debate dito ng senado.
Higit aniyang mapagtutuunan ng kanilang talakayan ang usapin sa child support.
Binanggit din ni Hontiveros, kung may maayos na contracting marriage ay dapat din ba na may maayos na dissolution of marriage.
Nais din ni Hontiveros na mapag-usapan ang pagkakaroon ng harmonious relationship sa loob ng pamilyang Pilipino.
Facebook Comments