HIHIRIT | Grupo ng mga guro, nais makipagpulong sa COMELEC

Manila, Philippines – Iginiit ng Teacher’s Dignity Coalition (TDC) na dapat nang taasan ang honorarium ng mga gurong nagsisilbi tuwing halalan.

Ayon kay Benjo Basas National Chairperson ng TDC, dapat tapatan ang mga serbisyo ng mga guro ng mas mataas na honorarium lalo pa at 24 oras o higit pa magsilbi ang mga guro tuwing eleksyon lalo na kapag mano mano ang halalan katulad nang katatapos pa lamang na Baragay at Sangguniang Kabataan (SK) Elections.

Paliwanag pa ni Basas kadalasan pa ay nalalantad sa panganib ang mga guro bunsod ng mga talunang kandidato at mga tagasuporta nito na nauuwi naman sa harassment.


Giit ng TDC hihilingin nila sa Commission on Elections (COMELEC) ang isang pagpupulong upang maipabatid ang ibat ibang concerns ng mga guro.
Kabilang narin aniya dito ang pagbabawas ng with holding tax sa honorarium at allowances ng mga guro.

Facebook Comments