HIJACK | Isang eroplano ng Horizon Airline, hinayjak ng isang empleyado nito

54

Nag-crash ang isang eroplano ng Horizon Airline ilang minuto matapos itong mag-take off sa Seattle-Tacoma International Airport.

Ang Horizon Airpline ay subsidiary ng Alaska Air.

Sa report, isang hindi pinangalanang empleyado na umano ay may problema sa kanilang kompanya ang nang-hijack sa nasabing eroplano.

Wala namang naitalang nasaktan o namatay sa insidente maliban sa nasabing empleyado ng Horizon Airline.

Nabatid pa na itinaon ng nasabing empleyado na nakawin ang eroplano habang walang tao sa paligid nito at saka pinalipad.

Makaraan ang ilang minuto ay sadya niya itong ibinagsak sa Ketron Island.

Patuloy naman ang imbestigasyon ng Federal Bureau of Investigation at ng mga air crash investigator para alamin ang dahilan ng pagnanakaw ng naturang empleyado.

Facebook Comments