Hiker, patay matapos mahulog habang nagpapakuha ng litrato

(Getty Images file)

ARIZONA, USA – Patay ang isang 59-anyos na babae matapos mahulog habang nagpapakuha ng litrato sa Grand Canyon National park.

Ayon sa Grand Canyon Regional Communications Center, nahulog noong Biyernes si Maria Salgado Lopez sa gilid ng Mather Point, ang pinaka-popular na viewpoint ng parke sa taas na 100-ft.

Kasama ng kanyang pamilya ang biktima sa pagpapakuha ng litrato nang aksidente itong madulas at mahulog.


Agad namang nakaresponde ang rescue team kung saan natagpuan ang bangkay ng ginang.

Samantala, nagsagawa na ng imbestigasyon ang National Park Service at ng Coconino County Medical Examiner’s Office sa nangyaring trahedya.

Kaugnay nito, iginiit naman ng parke na pinaalalahanan nila ang lahat ng bisita ng safety guidelines bago ikutin ang lugar.

“Grand Canyon National Park staff encourage all visitors to have a safe visit this holiday weekend by staying on designated trails and walkways, always keeping a safe distance from the edge of the rim, and staying behind railings and fences at overlooks,” saad nito.

Facebook Comments