Manila, Philippines – Patuloy pa ring pag-iibayuhin ng severe tropical storm Mawar ang habagat na makakaapekto sa hilagang Luzon partikular na sa Ilocos Norte at Ilocos Sur ngayong araw.
Huling namataan ang sentro ng bagyo sa layong 560 North West ng Laoag City sa Ilocos Norte at patungo na sa katimugang bahagi ng China.
Samantala, magiging maalinsangan naman ang Metro Manila at nalalabing bahagi ng Luzon pero posibleng makaranas pa rin ito ng isolated afternoon at evening thunderstorms.
Maganda rin ang lagay ng pahanon sa Visayas pero posible pa rin itong makaranas ng isolated rainshowers o thunderstorms sa hapon at gabi.
Habang sa Mindanao ay asahan ang mainit na temperatura ngayong araw.
Sunrise 5:44
Sunset 6:06
Facebook Comments