Itinalaga ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. si Hilario Bringas Paredes bilang Chairperson ng Board of Directors ng Bases Conversion and Development Authority (BCDA).
Si Paredes ang papalit kay Thompson Lantion na naunang itinalagang Chairperson ng BCDA.
Ang BCDA ay isang government-owned and controlled corporation na may mandatong i-convert ang mga US military baseland sa mga matitirahan, sustainable, at world-class na komunidad.
Bago ang kaniyang appointment, naging acting member muna ito ng Board of Directors ng BCDA.
Lumabas ang appointment papers ni Paredes na may petsang October 28, 2024 at may lagda na ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr.
Facebook Comments