HILING | DFA, humirit na palawigin pa ang amnesty program ng Kuwaiti Government

Manila, Philippines – Kasabay ng pagtatapos ng amnesty program ng Kuwaiti Government sa mga undocumented migrant workers kahapon April 22, 2018.

Muling hiniling ng Department of Foreign Affairs (DFA) na palawigin ang nasabing programa.

Ayon kay Foreign Affairs Secretary Allan Peter Cayetano may higit apat na libo pa kasi tayong mga kababayan ang nananatili sa Kuwait.


Kasunod nito sinabi ng kalihim na kahit hindi pa naaksyunan ang hiling nilang palawigin ang amnestiya ay magtutuloy-tuloy parin ang pag repatriate nila sa ating mga kababayang nais bumalik ng Pilipinas.

Paliwanag nito, gobyerno din ang aako sa magiging gastusin ng ating mga kababayan tulad ng pamasahe o ticket sa eroplano pabalik ng bansa.

Facebook Comments