Hiling kay Gringo: Usigin mga ‘Colorum’ Courier Firms

Naghain ang (CCW) sa Department of Information Technology (DICT) ng isang kahilingan na magsagawa ng isang malawakang pagsisiyasat tungkol sa napakaraming reklamo laban sa tinatawag na “colorum” at ilegal na courier services sa bansa.

 

Sa pormal na sulat ng CCW na inihain sa DICT, araw ng Lunes, Pebrero 3, 2020 na pinirmahan ng pangulo nito na si Diego Magpantay at Atty. Ferdinand Topacio, hepe ng CCW legal panel, hinihimok nila si Sec. Gregorio ‘Gringo’ Honasan na agad itong magbuo ng isang pangkat ng imbestigador upang masiyasat kung paanong patuloy na nag-o-operate ang mga ilegal at colorum na courier services nang hindi dumadaan sa mahigpit na control at superbisyon ng DICT.


Umapela din ang CCW kay Honasan na gumawa ng mabisang hakbang laban sa mga opisyal ng DICT na nagpabaya sa tungkulin kaya patuloy na namamayagpag ang ilegal na operasyon ng mga walang lisensiya at hindi rehistradong courier sa bansa.

Ayon sa pagtaya, umaabot sa mahigit sandaan ang delivery services, pawang walang lisensiya at hindi nakarehistro sa DICT ang patuloy sa kanilang ilegal na operasyon.

Kabilang sa tinatawag na “big players” ay may na umaabot sa daan-daang milyong piso at pag-aari ng mga dayuhan – na isang mabigat na paglabag sa mga batas ng Corporation Code.

May mga lisensiyadong courier services na sa National Capital Region lamang dapat may operasyon pero sila ay may delivery services sa buong bansa.

Kasama sa reklamong nais paimbetigahan ng CCW ay kung paano pinayagang makapagrehistro ang ilang courier services sa kabila na may nakitang mga paglabag sa mga regulasyon ng Corporation Code at hindi dumaan sa regulasyon at superbisyon ng DICT.

Ang 31-taong CCW ay itinatag ni Atty. Jose Malvar Villegas at ito ay nagharap at nanalo sa maraming kasong laban sa katiwalian, kabilang ang mga kasong iniharap laban kina dating Presidente Joseph Estrada at Benigno Aquino III, Sen. Leila de Lima, Trade Secretary Ramon Lopez at maraming iba pa.

Facebook Comments