HILING | Mas maraming kagamitan, kapayapaan at mabawasan ang kalamidad, wish ni Sec. Lorenzana

Hiling ni Defense Secretary Delfin Lorenzana ngayong Pasko na madagdagan pa ang bilang ng mga kagamitang pang depensa ng Armed Forces of the Philippines (AFP).

Aniya, gusto niyang magkaroon ng mas maraming barko, baril, bala at iba pang military equipment para panlaban sa mga teroristang grupo katulad ng Abu Sayyaf Group.

Sa ngayon mayroong dalawang bagong barko ang Philippine Navy na papangalanang BRP Antonio Luna at BRP Jose Rizal.


Nais niya rin na magkaroon ng mas mapayapang Pilipinas sa taong 2019 at mabawasan ang nararanasang kalamidad.

Umaasa si Lorenzana na matatapos na ang communist insurgency sa bansa na limangpung taon nang problema.

Facebook Comments