Tinutulan ng Department of Education (DepEd) ang mga panawagan ng iba’t ibang grupo “academic break” sa gitna ng tumataas na kaso ng COVID-19 sa bansa.
Ayon kay Education Sec. Leonor Briones, mainam kung hintayin muna ang assessment ng Department of Health (DOH) sa sitwasyon ng COVID-19 sa bansa.
Aniya, kailangan ding isaalang-alang ang minimum na 220 school calendar day na dapat pasukan ng mga mag-aaral at mga guro.
Iginiit naman ni Education Undersecretary Diosdado San Antonio na may “academic ease” naman na ipinatutupad ang kagawaran kung saan binibigyan ng kalayaan ang mga guro na pagaanin ang mga requirements ng mga estudyante.
Sa ngayon, hinihintay rin ng DepEd ang assessment ng DOH para sa pagpapalawig ng in-person classes.
Facebook Comments