Pinag-aaralan pa ng Department of Labor and Employment (DOLE) ang apela na alisin na ang temporary deployment ban ng Overseas Filipino Workers (OFWs) sa Israel.
Kasunod na rin ito ng hiling ni Israel Ambassador to the Philippines Rafael Harpaz na papasukin na ang limang libong caregiver sa nasabing bansa matapos na mag-abiso ng Department of Foreign Affairs (DFA) na maaari nang ibaba ang temporary deployment ban sa Israel.
Ayon kay Labor Secretary Silvestre Bello III, dapat munang matiyak ang kaligtasan ng mga Pilipino sa Israel bago magpadala ng OFWs.
Sa kasalukuyan ay may umiiral na ceasefire sa pagitan ng Israel at Palestine.
Facebook Comments