
Malaking bagay na ang hiling na dagdag piso sa pasahe para sa mga driver ng jeep.
Ito ang sinabi ng ilan sa mga tsuper sa panayam ng RMN Manila.
Ayon kay Rogin Asubar at Hernesto Hombre, mga jeepney driver, sobra na raw kasi ang taas sa presyo ng diesel kung kaya sana raw ay matuloy na itong kahit pisong dagdag sa pamasahe.
Hindi na rin kasi sila nakakaipon at kakaunti na lang ang nauuwi sa pamilya dahil sa lingguhan na lang na oil price hike.
Una nang hiniling ang provisional P1 fare increase ng ilang transport group o itong Magnificient 7 sa gitna ng sunod-sunod na pagsipa sa presyo ng langis.
Nakatakda namang ihain sa Land Transportation Franchising and Regulatory Board (LTFRB) ang motion to implement ngayong araw.
Facebook Comments









