Hiling na dagdag sweldo ng mga manggagawa bilang regalo sa kanila sa araw ng paggawa, malabo pa ayon sa DOLE

Walang aasahang dagdag sweldo ang mga manggagawa para sa pagdiriwang ng araw ng paggawa sa Lunes, May 1.

Sa Laging Handa public briefing, sinabi ni DOLE Usec. Benjo Benavidez na may prosesong dapat sundin batay sa batas sa pagtatakda ng dagdag sa sahod kaya hindi ito basta maibibigay.

Una aniya sa proseso ay kailangang tingnan kung ang mga petisyon ay naaayon sa form and substance.


Sasailalim din aniya sa pagdinig ang petisyon bilang bahagi ng prosesong ipinatutupad.

Pagbibigay riin ni Benavidez na sa kabila na nauunawaan nila ang hinaing ng mga manggagawa, kailangan aniyang hayaang gumulong ang proseso at mekanismo upang matukoy kung mayroong kailangang rebisahin sa mga umiiral na minimum wage sa iba’t ibang bahagi ng Pilipinas.

Facebook Comments