Hindi pinagbigyan ng Integrated Bar of the Philippines ang hiling na free legal assistance ni alyas Bikoy o Peter Joemel Advincula.
Lumalabas sa ginawang pagsusuri ng National Center for Legal aid ng IBP na hindi kwalipikado si advincula dahil kung pagbibigyan daw nila ito ay lumalabas na may pinapanigan silang political party.
Sa pahayag pa ng IBP, ibinase daw nila ang hiling ni advincula sa kanilang NCLA manual kung saan isa sa mga dahilan kayat ibinasura ang request nito ay mismong ang admistrasyon ang pinatatamaan nito.
Bagamat ibinasura ang kahilingan ni alyas Bikoy, hindi naman isasapubliko ng IBP ang mga dokumentong isinumite nito sa kanilang tanggapan.
Facebook Comments