Inaasahang mababawasan ang mga biyahe ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr., sa susunod na taon dahil bumaba sa 8% ang kaniyang travel fund sa ilalim ng 2025 proposed national budget.
Sa Malacañang press briefing, sinabi ni Budget Sec. Amenah Pangandaman na higit P1 billion ang hinihinging alokasyon ng Office of the President para sa mga biyahe ng pangulo sa lokal at abroad.
Pero sa panukalang budget, nasa P1.054-B lamang ang nakalaang travel expenses ni PBBM kumpara sa P1.14-B na pondo ngayong taon.
Kumpiyansa naman si Pangandaman, na makakamit pa rin ng pangulo ang kinakailangang engagements nito tulad ng pag-engganyo ng maraming investments para sa Pilipinas.
Ngayong taon, naka-pitong biyahe si Pangulong Marcos sa iba’t ibang bansa habang nag-ikot rin ito sa buong Pilipinas para sa mamigay ng ayuda sa mga magsasaka at mangingsidang naapektuhan ng El Niño.
Samantala, ang Office of the President naman ay humihingi ng P10.4-B na budget para sa 2025, mas mababa ng P200 million kumpara ngayong taon.