Kinumpirma ng Department of Labor and Employment (DOLE) na pinag-aaralan na nila ang petisyon hinggil isinusulong na P1000 na daily minimum wage hike para sa private sector employees sa National Capital Region (NCR).
Sa isang panayam kay Labor Secretary Bienvenido Laguesma, sinabi nito na kinokonsulta na ng Regional Tripartite Wages and Productivity Board (RTWPB) ang nasabing petisyon.
Dagdag pa ni Laguesma, binabalanse nila ang sitwasyon upang maging patas o balanse ang lahat sa panig ng mga manggagawa at ng mga pinapasukan nilang trabaho.
Aminado ang kalihim na nahihirapan sila sa pag-aaral ng nasabing petisyon pero patuloy ang kanilang pagkonsulta sa labor sector.
Matatandaan na Disyembre noong nakaraang taon ng i-apela ng ilang labor groups ang wage increase dulot na rin ng pagtaas ng inflation na lubhang nakaka-apekto sa kanilang sektor.