Hiling na pagbili ng COVID-19 vaccine ng 4 na LGU, nakabinbin pa rin

Nakabinbin pa rin ang hiling ng apat na lokal na pamahalaan na makabili ng bakuna kontra COVID-19.

Ayon kay League of Provinces of the Philippines President Presbitero Velasco, hindi pa rin nalalagdaan National Task Force (NTF) ang hiling ng apat na Local Government Unit (LGU) na tripartite agreement para makabili ng mga bakuna.

Aniya, isa sa mga rason kaya’t hindi ito naaprubahan ay dahil sa prayoridad ng mga supplier ang national government.


Iginiit naman ni Velasco na nauunawaan ng mga gobernador ang sitwasyon kaugnay ng supply ng mga bakuna.

Una nang sinabi ni Senate Majority Leader Juan Miguel Zubiri na paiimbestigahan niya ang mabagal na pag-apruba sa tripartite deals ng COVID vaccine ng LGU at pribadong sektor.

Facebook Comments