Nai-refer na ni House Secretary General Reginald Velasco sa House Committee on Ethics and Privileges ang liham ni Pamplona Mayor Janice Degamo na syang maybahay ng pinaslang na si Negros Oriental Gov. Roel Degamo.
Nakasaad sa liham ang hiling ni Mayor Degamo na patalsikin bilang miyembro ng Mababang Kapulungan si Negros Oriental 3rd District Representative Arnolfo “Arnie” Teves Jr.
Ayon kay Velasco, ang komite ang may hurisdiksyon at bahalang magpasaya sa naturang request ni Mrs Degamo.
Tiniyak naman ni Committee Vice Chairman Nueva Ecija Rep. Ria Vergara na nakahanda silang dinggin ang apelang ito ng maybahay ni Gov. Degamo.
Facebook Comments