Hiling na taas-sahod ng ilang manggagawa, alanganin ngayong may pandemya – DOLE

Iginiit ng Department of Labor and Employment (DOLE) na hindi pa maaaring ipatupad ngayong may pandemya ang hiling na minimum wage hike sa mga manggagawa.

Paliwanag ni Labor Secretary Silvestre Bello III, kailangang pag-aralang mabuti ito bago ipatupad.

Ang mahalagang malaman ngayon ay kung kakayanin ng mga local employers ang pay hike lalo na kung nasasagad ang kanilang limitasyon ngayong may pandemya at mahinang ekonomiya.


Kapag pinilit aniya ang umento sa sahod, maaaring mapilitan ang mga kumpanya na magsara o magtanggal ng mga manggagawa.

Dagdag pa ni Bello, dapat isipin din ng mga manggagawa ang kanilang employment status.

Facebook Comments